Comments on the MORCon 2011 hosted by SEO Philippines

2

Posted by maybelle | Posted in Food & Places, Insights | Posted on 29-10-2011

Tags: , , ,

Morcon Image from Panlasang PinoyNung una kong narinig ang MORCON, nagutom ako. Malay ko ba naman na ang ibig sabihin ng MORCon ay Mastering Online Rankings Conference. Hindi lang siguro talaga ako nagppay attention. On second thought, para naman talagang Morcon yung seminar – it’s stuffed of juicy ingredients that made SEO (Search Engine Optimization), SM (Social Media) and SMO (Social Media Optimization) much easier to deal with.

Read the rest of this entry »

Epekto ng Midnight DJ

1

Posted by maybelle | Posted in Poetry & Fiction | Posted on 05-10-2011

Tags: ,

Dahil adik si Gaea sa Midnight DJ na dating pinapalabas sa ABC5, minabuti kong isulat ang isa sa mga naranasan namin nung Summer.

Hindi po ako matatakutin at lalong hindi po ako mapamahiin. Laking Maynila na po ako at dahil maaga akong namulat sa mga horror flicks tulad ng People Under the Stairs, Friday the 13th, Night of the Living Dead, Pet Semetary at Exorcist, naging skeptical na ako sa mga horror flicks. Nagbabasa din po ako ng mystery/horror fiction. Si Christopher Pike, RL Stine, Anne Rice (Vampire Chronicles) at si Stephen King ang favorite ko noon.

Yung mga horror flicks ngayon, mas creative. Andyan na ang The Ring, Shutter, Exorcism of Emily Rose at saka Mirrors. Hindi naman horror yung istorya ko pero di ko kasi inaakala na puwede siyang mangyari sakin kaya sinusulat ko ito.

Read the rest of this entry »

Dalaw (2010)

1

Posted by maybelle | Posted in Movies | Posted on 09-01-2011

Tags: ,

Nagbabalik si Kris Aquino, nabansagang “Queen of Horror Films” sa pelikulang “Dalaw” ngayong Manila Film Festival 2010. Gaya ng ibang horror flicks, mapupukaw ang interes mo sa trailer nito.

 

 

Read the rest of this entry »

Si Agimat at Si Enteng Kabisote

0

Posted by maybelle | Posted in Movies | Posted on 08-01-2011

Tags: ,

From  http://pinoymovieblogger.blogspot.com/2011/01/si-agimat-at-si-enteng-kabisote-2010.htmlSi Agimat at Si Enteng Kabisote ay isa pang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2010 na sadyang inaabangan ng maraming Pinoy. Ang press release nga sa kanya ay “twice the fun, twice the experience” dahil dalawang big time na characters at artista ang pinagsama. San ka pa? Vic Sotto at Bong Revilla ba naman, may hahanapin ka pa ba?

Title pa lang, Si Agimat at Si Enteng Kabisote ay pelikula na pinangungunahan ni Agimat at ni Enteng. Tulad ng dati, ang istorya ay iikot sa pagsalba ng mundo laban sa mga monsters at ang motivating factor nito ay ang pagsalba na rin sa “loved ones” ng ating mga bida. Halos nasabi na lahat ng ito sa trailer/teaser ng pelikula pero tulad na rin ng nasabi ko sa pag-review ng Super Inday and the Golden Bibe, hindi naman storya lang ang inaabangan mo pag nanonood ka ng sine.

Read the rest of this entry »

Super Inday and the Golden Bibe

2

Posted by maybelle | Posted in Movies | Posted on 26-12-2010

Tags: ,

Hindi ako jologs.  At lalong lalo nang hindi ako fanatic.  Pero sure ako na hindi ako plastic so go lang ako sa review.

Pinanindigan ko nang “colloquial Filipino” ang medium ng review na ito dahil OA na pag ginawa kong formal. Masyadong light, fun at imaginary yung pelikula and yun ang gusto kong gawin sa review na ‘to.

From http://img2.allvoices.com/thumbs/event/609/480/66668598-super-inday.jpgAng Super Inday and the Golden Bibe ay tungkol sa isang simpleng babae na mayroong sariling storya tulad ng kahit sino.  Sa mundo ng fictional movie na ito, ay nabiyayaan siya ng superhero powers para matulungan ang mga bata at “masugpo ang kasamaan.”  Sinabi na ng trailer ang main plot ng pelikula so wala ka na actually na hahanapin pa.

Pero hindi naman kasi plot lang ang dahilan bakit ka nanonood ng sine.  Sa case namin, napadpad kami sa movie na ito dahil free seating ang mga sinehan at ayaw namin gumamble sa piyesta ng tao.  Was hoping to watch Agimat at Enteng Kabisote pero mahaba ang pila.  Gaea wanted Dalaw or Shake Rattle and Roll, of course, hindi yan papasa sa parents ko.

Ang maganda sa pelikulang ito ay simple lang siya at wala nang paligoy-ligoy pa.  Makikita mo ang attempt sa effects at sa action scenes; makikita mo ang drama sa story line (noypi na noypi tlga ang may ganung factor); at makikita mo rin ang pagiging natural ng flow ng istorya.  Kung hindi pa ko nakakilala ng Isidorian na cosplay artist, hindi ko mare-realize gaano ka creative gawin ang mga costumes at gaano kagaling ang Pinoy to do so.  Sa tingin ko kasi, cosplay artists ung mga kalaban sa pelikulang ito.  Ang kaso, di ko makita sa net kung sino at sang contest galing.  Baka naman mali ako at talagang gumawa ng props para dito.

Natawa ako kay Marian at kay Pokwang.  Naaliw ako kay Sweet (shempre!) at, natuwa ako sa “Chill” sa entire film.  Madalas ko kasing sinasabi yun… lagi kasi akong high blood, hahahahaha!

As expected, the best pa ring villain si Mylene Dizon. Love the scene where slow-motion na naglalakad si Mylene, Pokwang at Marian. Kaso parang kahit na nagandahan ako sa katawan ni Mylene kahit na kakapanganak pa lang nya sometime ago, parang ang dalawa or tatlong iba ibang dress lang ang nakita ko sa entire film. Tsk, nagtipid? Or siguro di ko na namalayan na, 2 or tatlong araw lang pala ang entire film. Oh well.

Sorry na lang pero NR ako kay Jake Cuenca. Baka may masabi pa kapatid kong mokong.

Meron lang akong note. Kung isa kang 80′s baby tulad ko, na nabuhay sa panahon ng BioMan, Shaider at Mask Rider Black.  O sige, kahit na Power Rangers, pwede rin.. wag lang Ultra Man at Mega Man kasi ibang level na yun…. parang isa o dalawang episode lang ang buong pelikulang ito ng mga series na yun.

From http://www.trippingthelights.com/2010/12/super-inday-and-golden-bibe.html

Yung mga kalaban kasi, mga “giant” robots. Parang ung mga nakukuhang idea ng kalaban ni Shaider. Bukod pa diyan, di ko talaga maiwasang isipin na ang Super Inday concept ay isang pinalaking concept ng Nieves character sa Shake, Rattle and Roll X which was produced by the same outfit (Regal Films).

From http://www.allvoices.com/contributed-news/6883671-first-photos-of-marian-rivera-as-super-inday From http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?p=32166644

Pero okay siya.  Isa siyang feel-good movie, na hindi ka na magiisip, sasakay ka na lang sa flow ng storya at siguradong mag-eenjoy.