Epekto ng Midnight DJ

1

Posted by maybelle | Posted in Poetry & Fiction | Posted on 05-10-2011

Tags: ,

Dahil adik si Gaea sa Midnight DJ na dating pinapalabas sa ABC5, minabuti kong isulat ang isa sa mga naranasan namin nung Summer.

Midnight DJ image from Kapatid TV

Hindi po ako matatakutin at lalong hindi po ako mapamahiin. Laking Maynila na po ako at dahil maaga akong namulat sa mga horror flicks tulad ng People Under the Stairs, Friday the 13th, Night of the Living Dead, Pet Semetary at Exorcist, naging skeptical na ako sa mga horror flicks. Nagbabasa din po ako ng mystery/horror fiction. Si Christopher Pike, RL Stine, Anne Rice (Vampire Chronicles) at si Stephen King ang favorite ko noon.

Yung mga horror flicks ngayon, mas creative. Andyan na ang The Ring, Shutter, Exorcism of Emily Rose at saka Mirrors. Hindi naman horror yung istorya ko pero di ko kasi inaakala na puwede siyang mangyari sakin kaya sinusulat ko ito.

Outing namin nung April 7 and 8, 2011. Ang alam ko sa Tagaytay lang kami pupunta pero nalaman ko na lang nung andun na kami na sa Talisay, Batangas pala kami. Yung resort namin eh shoreline na ang Taal Lake. Maganda ung lugar, may wedding pa nga nung time na pumunta kami. Pito lang kami sa opisina so maliit lang ang grupo.

Pagdating namin ay nilakad/nilibot namin ang buong lugar at nagpicture-picture. Di kami makapagswimming sa pool kasi aalis agad ang mga boss, bukod pa doon ay bawal lumangoy sa lake, dahil yata medyo active ang Taal nun.

Nung nakaalis na ang mga boss, doon pa lang kami nakapagswimming.  Hanggang 10pm lang bukas ang pool so sinulit na namin kahit malamig. Since isa lang ang CR sa room, mga close to 12 na kami lahat natapos maggayak.  Parang maaga pa kasi ang gabi noon so lumabas kami ulit para maglakad lakad ng konti para ienjoy ung paligid ng gabi. Ang daming stars, nakakatuwa, tapos iba yung tunog na maririnig mo. Walang tricycle na maingay o mga kotseng parang nagddrag race. Kung marunong ako umintindi ng insect languge, baka nalaman ko na ang life story nila dahil sa sobrang tahimik. Parang napakaclose mo talaga sa nature.

Mga 1am na kami nakabalik sa kwarto at by that time nagpapaantok na kami habang naglalaro ng cards. Nakaupo kami in a circle tapos bigla na lang lumingon si Cindy tapos sabi nya,
“Sino ung nagCR?” (ung cr kasi medyo mga 15 steps away from our circle eh.)
Sabi ko, “Walang nagCCR. Kumpleto kayo tayo dito, hello!?”

Ahh, sige.
Bakit?
Ahh, kasi parang may dumaang nakaputi papunta doon sa cr.

Tapos biglang yung katabi niya (si Ted) napatitig sa space nung kaharap nya (si Bes). Tapos bigla kaming nanahimik lahat.

“Ahh kaya pala,” sabi ni Gerald.
“Uy, wala namang ganyanan,” sabi ni Bes.
“Hindi nga, kaya pala parang sobrang lamig na di ko maexplain. Tinaas ko na kaya Yung thermostat pero ang lamig pa rin,” Dagdag ni Gerald.
“Uy, wag naman ganun,” sabi ni Bes, na nansisiksik na sa katabi nyang si Jessica.

Natawa si Jessica sa reaction ni Bes tapos nagtawanan na ang lahat.

“Nagjojoke ba kayo?” Sabing ganun ni Bes, pero sa mukha niya natatakot na talaga siya. Nasa likod mo ba naman yung anumang nakita ni Cindy at ni Ted.

Tumawang bigla si Ted tapos sinabi nya “Ako, oo, pero sila hindi ko alam.”
“Hindi ako nagbibiro. Hindi ako magbibiro ng mga ganyan kasi may history na ako.”  Sabi ni Cindy.
“Huweeh???” Sagutan yung iba pa.

“Oo nga, nung bata ako nakakakita na ako,” sabi ni Cindy.

Sumigaw si Bes pero after niya sumigaw ay tumawa na lang siya. Nagiging awkward na yung masayang game card playing namin kaya sabi ko na lang,
“Ay naku, tama na nga yan. Isipin na lang natin na walang contacts si Cindy kaya ganun. Hindi malinaw ang lahat. Game na, magdeal na ng cards.”

So tuloy ang paglalaro namin. (Naglalaro pala kami ng Pusoy Dos, at yes, may konting taya, piso at 5 piso).

Siguro masyado akong wishful thinking na nakalimutan na yung nangyaring yun kasi nung nagkaayaan nang matulog, nagkasundo ang lahat na magsiksikan sa kwarto.

Sa kwarto merong 2 bed. Yung isang bed na malapit sa window, kashare ko si Sandra. Tapos sa katapat nyang bed sina Bes, Jessica at Cindy ang nakahiga.

Si Ted at Gerard sa pullouts natulog. Yung pullouts eh mga kutson galing sa living room.

Ngaun yung 2 bed kasi may konting space sa gitna, parang aisle. Sa aisle side ako natulog tapos si Sandra doon sa window side.

“Lights out ba kayo matulog ang tanong ko?”
“Oo”  Tapos nung pinatay ko yung ilaw, sumigaw si Jessica. Inon ko ulit yung ilaw.
Tumatawa si Gerard.
Nanghahatak kasi ng paa tong si Gerard, sabi ni Jessica.

O sige wala na lang lights out. Good night na.

Nagppray ako ng rosary before matulog and ang dala kong rosary at this time was yung bracelet type. Nakatulugan ko yung pagdadasal ko tapos parang naalimpungatan ako at biglang di ko na nakakapa yung rosary sa kamay ko. Tumingin ako sa relo, 3am na noon. Tulog na tulog na ang lahat, yung mga kilos ko lang ang naririnig ko. Hinanap ko yung rosary ko, nakuha ko naman, di ko na lang iniisip kung paano napunta yung rosary sa bandang likod ko eh di ko naman nilalagay ang kamay ko sa likod ko para mahulog siya doon.

Nagiba na lang ako ng position sa pagtulog, this time nakatalikod ako sa aisle.

Eto yung di ko mashado maexplain.

Alam ko na nakapikit ako at alam ko na may ulirat ako pero nakikipagdebate ako sa sarili ko. Feeling ko hindi ako makagalaw, na hindi ko maiangat yung kamay ko o paa ko. Ngayon nung bata ako, nangyari na yun sakin at naalala ko yun. Ang tawag doon ay bangungot. Alam ko na pag binabangungot ka, dapat igalaw mo yung mga fingers mo or toes mo. Pero parang hindi nagregister yang alam ko na yan. Ang ginawa ko eh minove ko yung knees ko and nagalaw ko siya. So ang next kong ginawa eh i-lift yung fingers ko and for some reason, ayaw niya talaga magmove. Tapos, bigla na lang may narinig akong bumulong sa tenga ko, ang sabi eh, “Sama na kita.”

Hindi ako natakot pero parang “nagising” ako nung narinig ko yun at ang natatandaan ko na lang eh yung pakiramdam na may nagcocompel sayong tumalikod para tumingin kung sino yung bumulong kaso alam mo sa sarili mo na pag dinilat mo yung mata mo at tumalikod ka, may makikita ka sa aisle. Ganun kasi kalinaw at kalapit yung bulong na narinig ko. Pinigilan ko ang sarili kong gumalaw at a few minutes later, bumangon na si Sandra. Doon pa lang ako lumingon at sinabi ko na lang na matulog pa siya ulit kasi maaga pa. 5pm pa lang (tumingin ako sa relo).

Siempre nung umaga pacheckout na kami, nakwento ko sa kanila. Doon na lang nagsink in ang lhat.
Babae. Puti. Bundok.

Isama mo pa yung Tahimik. Mahangin. Malamig. Gabi, bago sumikat ang araw.
at higit sa lahat, Hindi naniniwala.

*Everything in this story is true except for the names used.
Photo credit: http://www.kapatidtv.com/

Comments (1)

I think other web site proprietors should take this site as an model, very clean and great user friendly style and design, as well as the content. You’re an expert at this stuff!

Write a comment