Comments on the MORCon 2011 hosted by SEO Philippines

2

Posted by maybelle | Posted in Food & Places, Insights | Posted on 29-10-2011

Tags: , , ,

Morcon Image from Panlasang PinoyNung una kong narinig ang MORCON, nagutom ako. Malay ko ba naman na ang ibig sabihin ng MORCon ay Mastering Online Rankings Conference. Hindi lang siguro talaga ako nagppay attention. On second thought, para naman talagang Morcon yung seminar – it’s stuffed of juicy ingredients that made SEO (Search Engine Optimization), SM (Social Media) and SMO (Social Media Optimization) much easier to deal with.

Teka lang, ang sabi ko gagawin kong Tagalog ang entry na to. Yun ay sa kadahilanang, kapwa Filipino ang kasama ko sa seminar at dapat lang maging kolokyal. Pangalawa, halos lahat sa mga nagsalita ay nagTagalog. Panghuli, sa UP ginanap ang seminar, dapat lang na “love your own.”

Kabuluhan
Marami akong mga insight na nakuha sa mga tagapagsalita. Sabi nila is-share nila yung presentations na ginamit at makakatulong yun, pero para sa akin, ang “priceless” at nagbibigay ng kabuluhan sa seminar na ito ay ang marinig mula sa kanila ang mga kanya-kanyang personal na karanasan pagdating sa paksa. Hindi ako naliligaw, tunay ngang mahusay ang SEO Philippines at masarap malaman na hindi ako nagiisa sa pag-interpret ng impormasyong nakakalap sa Internet. Dahil bagong miyembro lang ako, naglo-look forward talaga akong maging bahagi ng mga diskusyon sa forum at sa Skype.

Komento
Image containing Pen and NotebookIlan pang komento sa naturang seminar: Hindi ko nagustuhang late ito nagsimula at halos lahat ng tagapagsalita ay nauubusan ng oras para mag-present. Hindi ako ganun kakumportable sa upuan ko or sa venue kahit pa sa tingin ko maganda yung pwesto ko dahil nasa bandang harap ako nakaupo. Hindi ganun kalamig ang aircon, pero kasi, pinaliwanag naman ng organizers na maraming walk-ins or late registrants. Tulad ng ibang mga seminar, may mga panahong halos makatulog na ko at mayroon ding mga panahon na gising na gising ako. Hindi yun dahil sa speaker. Dahil yun sa di ko na mahabol ang imagination ko sa mga “dapat” ginagawa ko na, nagawa na at gagawin pa. Naniniwala akong maganda ang kinahinatnan ng seminar.

Ang malaking sayang ko lang ay hindi ko siya natapos. Masyado siyang mahaba na pakiramdam ko, baka masabaw na ako pagkatapos. Very refreshing yung snacks, masarap ang food, pero minsan kasi, mas magiging epektibo kung makakapag-focus sa topics kaysa ipilit sila pagkasyahin sa isang araw. Medyo matagal na akong nagaaral at nagppractice ng SEO pero hanggang ngayon, alam kong marami pa rin akong dapat malaman. Kahit nga itong website ko, hindi ko pa naooptimize pero darating din ako doon. Mahirap kasi ulitin ang mga “mistakes” na nagawa ko na.

Natutunan
Ito ang ilan sa mga natutunan ko:
1. “There is no perfect method or process, there are only best practices in Website Audit.” from Sheila dela Peña
2. Geo-targetted SEO prepares your website for mobile optimization. from Benj Arriola
3. Authority websites require good content and a little common sense and that “Links are king.” from Ed Pudol
4. Dapat maging “malupet” ang content and that “SEO is meant to be fun.” from Jason Acidre
5. “Social media is meant for people and communication – not an advertising tool.” from Ester Del Fierro
6. Google hires manual testers that make SEO more difficult. Keep yourself updated with trends and make sure you write quality content (and links). from Kim Tyrone Agapito
7. Video Marketing and Optimization does wonders for a website in as easy as 3 steps from Myles Vives

Pahabol
There goes my attempt at a purely Tagalog entry. Gone in a jiffy. I did write a Tagalog book review on Bob Ong’s Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan and a movie review on Kris Aquino’s Dalaw before, you might want to check them out.

Sources and Related Links:
Morcon Image from Panlasang Pinoy = http://panlasangpinoy.com/2009/11/28/beef-holiday-christmas-new-year-food-menu-morcon-recipe/
Notebook image = http://www.sxc.hu/photo/1080018

http://www.seocampphilippines.com/

http://www.kimoftheworld.com/26/kim-tyrone-agapito-on-morcon-2011.html

http://kaiserthesage.com/morcon-2011/

Comments (2)

Napansin ko na-apply nyo na yung nasa lecture hehe. Nice :D

So glad you guys enjoyed. Register na sa forum! ;)

Write a comment